Lunes, Setyembre 28, 2015


                                                       ITO ANG AKING TROPA





Ang magtotropa laging magkakasama sa lahat ng bagay. Sa hirap man at sa kalokohan laging nagdadamayan,sa lahat ng pagsubok sa buhay. Ganyan kaming magkakaibigan, magkasama sa bawat minuto. Kung saan pumunta yung isa, dun tutungo ang lahat o di ba parang aso lang ang dating:)


Tuwing bakante namin, kami ay pumupunta dito dahil presko ang hangin dahil masarap kumain dito at magkwentuhan. Kapag nandito kami, nawawala ang aming problema. Ang mga puno at halaman ay nagbibigay ng relaxation.


Lagi kaming nagtutulungan sa aming mga problema. Sa pagkakaibigan hindi natin maiiwasan ang pag aaway pero kahit ganun nasosolusyunan namain ang aming pag aaway dahil hindi namin makakayang mag away ng matagal dahil ang turingan namin sa isat isa ay parang magkakapatid.


At ang magbabarkada hindi nawawalan ng tambayan. Ito ang lugar na kung saan komportable ang lahat. Dito nila naipapakita ang ating mga kaibigan at magpasalat sa biyayang mga natatangap natin. Ang mga saloobin nila at emosyon. Dito natin maririnig ang mga malulutang na tawanan, asaran at iyakan kaya mahalin at pahalagahan natin ito.





Walang komento:

Mag-post ng isang Komento