Lunes, Setyembre 28, 2015


                                                       ITO ANG AKING TROPA





Ang magtotropa laging magkakasama sa lahat ng bagay. Sa hirap man at sa kalokohan laging nagdadamayan,sa lahat ng pagsubok sa buhay. Ganyan kaming magkakaibigan, magkasama sa bawat minuto. Kung saan pumunta yung isa, dun tutungo ang lahat o di ba parang aso lang ang dating:)


Tuwing bakante namin, kami ay pumupunta dito dahil presko ang hangin dahil masarap kumain dito at magkwentuhan. Kapag nandito kami, nawawala ang aming problema. Ang mga puno at halaman ay nagbibigay ng relaxation.


Lagi kaming nagtutulungan sa aming mga problema. Sa pagkakaibigan hindi natin maiiwasan ang pag aaway pero kahit ganun nasosolusyunan namain ang aming pag aaway dahil hindi namin makakayang mag away ng matagal dahil ang turingan namin sa isat isa ay parang magkakapatid.


At ang magbabarkada hindi nawawalan ng tambayan. Ito ang lugar na kung saan komportable ang lahat. Dito nila naipapakita ang ating mga kaibigan at magpasalat sa biyayang mga natatangap natin. Ang mga saloobin nila at emosyon. Dito natin maririnig ang mga malulutang na tawanan, asaran at iyakan kaya mahalin at pahalagahan natin ito.





Biyernes, Setyembre 18, 2015

Ito Ang Aking Paaralan












Mahirap kaman o mayaman salat ka man sa kahirapan ay lahat tayo ay may karapatan na 

mag-aral dahil ang edukasyon ay walang pinipiling istado ng buhay. Ako ay isang simpleng  

kabataan na nangangarap na makapag aral sa ganitong paaralan. Akala ko noon ay 

hanggang pangarap na lamang ako na makakapag-aral at 

makakapasok sa ganitong napakagandang paaralan. Ang pangarap kung iyon ay natupad 

at nagkatotoo. Hindi lamang magandang Paaralan ito kundi may magandang kalidad na

edukasyon. Hindi ka lamang huhubugin na maging isang magaling na mag-aaral kundi  

ipapadama rin sayo ang paninindigan sa sarili, at pakikipagkapwa tao. Ito ay ang pagiging 

misyonero, 
 may kompiyansa sa sarili at higit sa lahat ang pagiging maka Diyos.  Ang mga guro dito ay  

talaga namang napakagaling at epektibong guro kung kaya't mahahasa ang iyong galing o 

kaisipan. Higit sa lahat safe na safe ka dahil ang mga security guard ay hindi lang basta 

basta kinukuha  kung saan-saan dahil ang mga security guard sa paaralang ito ay talaga 

namang na trained ng mabuti. Ngayon ay Inaanyayahan ko kayong pumunta at madiskobre

pa lalo ang kagandahan ng  paaralang ito. Na patuloy akong hinuhubog bilang isang 

magaling na Guro balang araw. Ito ang paaralan na minamahal ng 

karamihan.Isang catholic school at ang paaralang ito ay 

magbibigay sa atin ng pag-asa at makakatulong sa pagpili ng ating kurso at maabot natin 

ang ating inaasam na pangarap sa buhay. Balang araw ay magiging isang magaling kang 

Guro, Inhinyero, Arkitekto, HRM, Tourism, Pulis, at IT at masasabi mo nalang sa 

iyong sarili buti na lang dito ako nag-aral,natupad ko na ang ang aking pinapangarap.